Drop Box
Entredropper
Musika ni Kardong Kalikot......

Here is the Music Player. You need to installl flash player to show this cool thing!

Contest
Home Buddies Blogversary/Bday Contest

Isa sa mga Kwento….

Ang inyong mababasa ay isa lamang sa napakaraming kwento nilikha ng bagoyong si Undoy…. Kwento ng isang empleyado ng Ábánte/Ábánte Tonite…

Sinó ang mag-aakala na ang maulang umaga ng Sabadó, Setyembre 26, ay maghahatid ng ibayóng hinagpis at pagdurusa sa libu-libóng residente ng Marikina City?

Isa akó sa mga taga-Marikina na nasa gitna ng kalunus-lunós na ngitngit ng kalikasan. Isang karanasang nagbigay sa amin ng pangalawang buhay.

Isang karanasang nagturó sa amin na pikit-matang pananalangin at pagkapit sa Diyós dahil Siya na lamang ang aming kaligtasan. Isang karanasang nagsilbing latay sa aming isipan at kalóóban na hanggang ngayón ay bangungót na bumabalik-balik sa aming pagtulóg.

Naritó ang aking karanasan sa Twinville Subd., Bgy. Cóncepción, Marikina City.

Bagó mag-alas-ótsó ng umaga, isang malambing na bóses ng 3-anyós kóng pamangking si Dannise ó ‘Ishie’ ang gumising sa akin na dati nitóng ginagawa.

“Mómmy, gising na sabi ni lóla kasi and’yan na ang baha,” sabi ng makulit kóng pamangkin na dinedma kó lang. Ang nanay kóng si Teresita ang tinutukóy niyang lóla.

8:15 a.m. – Pagbaba kó ng bahay, nakuha kó pang mag-cómputer at mag-Facebóók gaya ng aking nakagawian. Sabi kó sa status kó, “Nakakainis baha na naman.”

Nóóng mga óras na iyón ay umaangat na ang tubig sa likód ng bahay namin. Nagsisimula nang lamunin ng baha ang mga kapitbahay namin.

Peró dahil may kataasan ang gróund flóór namin ay kampante akó sa ginagawa kó.

9 a.m. (Setyembre 26) – Nagsimulang pumasók ang tubig sa bahay.

Napabalikwas na kami. Paspasang nag¬ligpit ng mga gamit ang mga kapatid kó na sina Lyka, Glaiza, Jóan at Teresa at asawa kóng si Sam.

Lahat ng appliances ay inakyat namin sa ikalawang palapag ng aming bahay.

Peró kasabay ng pagpasók ng tubig sa lóób ng bahay ay naglabasan ang sangkaterbang ipis. Nakapangingilabót at nakakadiri ang kanilang dami at kahit sa taó ay kuma¬kapit sila. Sinabayan din itó ng pagsulputan ng mga ahas na hindi namin malaman kung saan nanggagaling.

10 a.m. – Nasa ikalawang palapag kami ng bahay at maayós na sinasalansan ang mga gamit at appliances na aming inakyat nang sórpresahin kami ng bumulwak na tubig. Pagsulyap namin sa bintana ay isang malawak na ilóg na ang bumulaga sa amin. Ilang kapitbahay ang nakalubóg na ang mga bubóng.

Rumaragasa ang tubig. Mabilis ang paglaki nitó. Para talagang delubyó.

Sa puntóng iyón, alam naming lahat na hindi nórmal ang sitwasyón.

Labinlimang taón kaming nakatira ritó at ngayón lamang umakyat sa secónd flóór ng bahay namin ang tubig.

Isang knapsack ang hinablót kó. Nilagyan ng kahit anóng damit na mahahablót. Wala kaming ibang nasa isip kundi ang mailigtas ang bawat isa sa amin.

Sinira ng asawa kó ang bintana at dóón kami isa-isang idinaan palabas ng bubóng. Una ang mga kapatid kó, ang pamangkin kóng si Ishie, ang nanay kó at kaming mag-asawa.

Walang 10 minutó, nilamón ng baha ang buó naming bahay na pinaghirapang ipundar ng buóng pamilya at kamakailan lamang ay pina-renóvate ng kapatid kóng nasa Canada.

10:30 a.m. – Nasa bubóng kami peró patulóy pa rin ang pagtaas ng tubig.

Halós masiraan na kami ng bait. Saan pa kami pupunta?

Sa gitna ng pagdarasal, dumating ang kapitbahay naming si Ónók dala ang kanyang maliit na bangka. Isa-isa niya kaming itinawid sa ‘di kalayuang bahay na mayróóng third flóór.

Sa kabusilakan ng pusó ni Narcisa Ariza ay pinatulóy niya kami kasama ng iba pang kapitbahay na pinalad na makatawid sa kanya. Umabót kami sa 35-kataó róón, kasama ang isang paralisadóng kapitbahay na si Maximó Planes.

11 a.m. – Habang nasa lóób kami ng bahay ni Narcisa ay tanaw na tanaw namin ang hagupit ng kalamidad sa mala-dagat na subdibisyón.

Kalunus-lunós ang mga inaanód na bahay. Pami-pamil¬yang taó ang nasa bubóng. May mga inang may kargang sanggól. Lahat ay nagpapagibik ng saklóló.

Nakakaduróg ng pusó peró wala kaming magawa. Kami man ay nasa katulad na sitwasyón. Nakatulala kaming nakatanaw sa kanila. Manhid na sa kanilang mga sigaw at abut-abót ang dasal na sana ay may dumating na saklóló para sa kanila at para sa amin.

11:30 a.m.-12:30 p.m. – Nagsimulang umakyat ang tubig sa aming kinalalagyan. Nagpanik ang lahat. Sinira ng mga lalaki ang kisame ng bahay at isa-isa kaming iniakyat sa attic. Una ang paralisadóng si Maximó, mga matatanda, bata at mga babae.

Abut-abót ang aming dasal. Lahat-lahat na ay pinagdarasal namin. “Sana ay huwag bumigay ang attic dahil 35 kaming naróón. Sana ay tumigil na ang pag-akyat ng tubig dahil wala na kaming aakyatan pa. Sana ay may dumating na saklóló bagó mahuli ang lahat.”

1 p.m. – Tila dininig ang dasal naming tumigil na sa pagtaas ang tubig. Hindi na namin naramdaman ang pagpasók nitó sa attic. Nagsimula kaming kumalma peró dóón na rin namin naramdaman ang gutóm at pagód.

Simula nóóng umaga ay wala pa kaming kinakain.

Bumilang ng maraming óras. Mag-usap-dili kami. Tinitipid ang lahat ng enerhiya sa katawan. Kahit tubig ay wala kaming nadala.

Sa buóng panahón, sinusubukan naming tumawag sa mga rescue numbers na alam namin. Kanya-kanya ka¬ming sikap peró walang makóntak. Hindi namin alam kung walang signal ó clógged lang ang netwórk.

Nagsimulang dumilim ang paligid. Ramdam na rin namin ang lamig sa katawan ng basa naming mga damit.

8 p.m. – Naisip ng asawa kó na ilipat kami sa ‘di kalayuang abandónadóng templó ó mósque ng Muslim. Limang palapag kasi ‘yun. Ang takót n’ya ay baka mu¬ling tumaas ang tubig at tiyak nang malulunód kaming pare-parehó sa attic.

Peró hindi talaga kakayanin. Malakas ang agós ng tubig. Nóóng mga óras na iyón, blangkó na akó. Tinititigan kó na lang ang nanay kó. Napapaisip na baka itó na ang katapusan namin. Awang-awa akó sa kanya. Nakatulala at basang-basa. Pati na sa mga batang nandóón. Nagugutóm, nauuhaw, giniginaw. Pumikit na lang akó at nagdasal. Ipinaubaya kó na ang lahat sa Kanya.

9 p.m. – Isang pag-asa ang sumilay sa amin. Dumating ang magkakapatid na Jósef – Ricky Bóy, Larry at Gilbert – dala ang maliit nilang bangka. Nag-alók silang ilikas kami sa abandónadóng mósque peró paisa-isa lang. Una ang matatanda at mga bata. Maliit ang bangka at malakas ang agós.

Paliwanag nila, ginabi sila dahil inuna nila ang mga kapitbahay na na-trap sa bubóng. Halós anim na óras silang pabalik-balik at walang pagód sa pagsagwan.

10:10 p.m. – Nagkasama-sama kaming lahat sa mósque, maliban sa asawa kóng nagpaiwan sa attic para samahan ang parali¬sadóng kapitbahay na tumangging magpatawid sa bangka. Abut-abót ang pag-aalala kó peró wala akóng magawa.

Nagmistulang evacuatión center ang mósque. Alam naming ligtas na kami peró hindi namin magawang matulóg kahit sóbra ang pagód. Sinubukan kóng mahiga peró lalóng malamig sa katawan ang pagdidikit ng basang damit kó at basang sementó.

Halós magdamag na nag-iiyakan ang mga bata. Nagugutóm at giniginaw.
Ditó kó naranasang kumain nang halós bigas pang kanin. Hindi pa inin ay ibi¬nebenta na. Agawan pa ang mga may pera sa pagbili.

Sa bawat subó mó ay may batang nakatanghód sa’yó. May umiihi at nagbabawas sa harap mó. Peró dahil kailangang malamnan ang tiyan, lahat itó ay tiniis namin.

Araw ng Linggó, Set¬yembre 27. Bumulaga sa amin ang pangit na bakas ni ‘Óndóy’. Lubóg sa putik na baha ang mga bahay. Saka kó naisip, ang tanging nai¬ligtas namin – bukód sa aming mga sari¬li – ang isang knapsack na may ilang pirasóng damit.

Nakakapanlumó.

Sinubukan naming hugasan ang putik sa itaas na bahagi ng aming bahay na wala nang tubig peró wala pa ka¬ming sapat na lakas para gawin iyón.

Sa isang iglap, nawala ang lahat ng aming ipinundar. Mula sa damit, mga gamit sa bahay, appliances at bahay. Iyak nang iyak ang nanay kó. Hindi namin magawang mapatahan dahil kami man ay nahihirapang pigilin ang pumapatak na luha sa aming mga mata.

Ngayón ay nakatira kami sa isang bahay sa Masinag na inuupahan namin. Pati sa pagkuha sa mauupahang bahay ay nagkakaagawan kaya’t masa¬sabing pinalad pa rin kaming makakuha agad.

Pumapasók na ulit akó sa Abante/Abante Tónite kung saan akó nagtatrabahó bilang próófreader.

Binabangungót pa rin akó. Ang nanay kó, tuwing umuulan ay namamakyaw ng kandila. Epektó na ng sóbrang takót.

Maaaring matagalan peró alam kóng ma¬kakabangón kami. Balik-Facebóók akó. Nagpapasalamat sa mga kaópisina at kaibigan. Ina-update ang kapatid kóng nasa Canada.

Mahirap peró mapa¬lad pa rin kami na lahat kami ay ligtas. Lahat, dahil sa pagpapala ng Panginóón!

Source: www.abante.com.ph by Máricár de Felipe

Leave a Reply

Spam Protection by WP-SpamFree

Random Quote
“"Ginawa ko naman lahat para sumaya ka mahirap ba talagang makontento sa isa? Bakit palipat-lipat ka?”
by T.V.
My Badge
psst... link mo naman ako... link din kita.... Linkisan tayo... contact me
Uragon.net
Commercial Muna




Tag ng Ina mo